Bagyong Ramon humina pa, isa na lang tropical depression – PAGASA

Patuloy na humihina ang bagyong Ramon at ngayon ay isa na lamang tropical depression.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Roxas, Isabela.

Taglay na lang nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong South Southwest.

Nakataas na lang ang Tropical Wind Signal Number 1 sa sumusunod na mga lugar:
Batanes
Mountain Province
Benguet
Ifugao
La Union
Pangasinan
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Apayao
Kalinga
Abra
Ilocos Norte
Ilocos Sur

western portion of Isabela kabilang ang:
Quezon
Mallig
Quirino
Roxas
San Manuel
Burgos
Aurora
Reina Mercedes
Luna
Cabatuan
San Mateo
Cauayan
Ramon
Alicia
Angadanan
San Isidro
Santiago
at Cordon

Sa susunod na 24 na oras ay hihina pa ang bagyong Ramon at magiging isang LPA na lamang.

 

Read more...