Financial assistance natanggap na ng mga kaanak ng SAF 44

SAF 44
Inquirer file photo

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na natanggap na ng mga kaanak ng SAF 44 ang financial na ayuda ng gobyerno para sa kanilang ginawang kabayanihan.

Ayon kay SSupt Manuel Abu, pinuno ng Moral and Welfare Division ng PNP, pinakamababa na natanggap ay P2Million bilang financial assistance at hindi pa kabilang dito ang mga educational, housing at iba pang tulong at grant na nauna nang naibigay sa mga kaanak ng mga napatay na tauhan ng SAF.

Ang nasabing halaga ay kabilang sa kabuuan o total lump sump na mahigit P69.566 Million na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ng mga napatay na kasapi ng naturang elite group ng PNP.

Umaabot sa P11Million na bahagi ng P69Million President’s Social Fund Special Financial Assistance ang nauna na ring naibigay sa mga beneficiaries ng mga napatay na pulis.

Sa Lunes, January 25 ay nakatakdang gunitain ang unang taong anibersaryo ng kamatayan ng SAF 44 kung saan nakatakdang igawad ang mga medalya sa mga kaanak at mga special awards at promotion sa mga survivors kasabay ng selebrasyon ng ika 25 taong founding anniversary ng Pambansang Pulisya.

Read more...