Malacañang naalarma na sa sitwasyon sa West Philippine Sea

West Phil Sea
Xinhua

Aminado ang Malacañang na nakababahala ang patuloy na agresibong postura ng China sa West Philippine Sea.

Katunayan, sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na maging ang ibang bansa ay naliligalig na rin sa ginagawa ng Beijing sa mga pinagtatalunang teritoryo.

Sa ngayon, sinabi ng kalihim na patuloy na nakamonitor ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon at ginagawa ang nararapat na aksyon sa mapayapang paraan.

Ayon sa ilang ulat, nakalapag na umano ang ilang commercial flights ng China sa ilang disputed areas sa West Philippine Sea dala ang ilang turista.

Samantala, naniniwala aniya ang pamahalaan na hindi nag-iisa ang Pilipinas sa pagsusulong ng interes at karapatan para sa malayang paglalayag sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Coloma na katuwang ng Pilipinas sa pakikipaglaban ang iba pang kalapit bansa sa rehiyon.

Sa katunayan, maging ang iba pa aniyang bansa sa mundo ay itinataguyod ang tamang pagtalima sa mga probisyon ng international laws kabilang na ang Code of Conduct in the South China Sea, at ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Read more...