Suspension order kay Bohol Gov. Arthur Yap naisilbi na ng DILG

Naisilbi na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang suspension order laban kay Bohol Governor Arthur Yap.

Pinangunahan nina DILG Regional Director Leocadio Trovela at DILG Provincial Director Johnjoan Mende ang pagsilbi sa 90 araw na mandatory suspension order.

Ang suspensyon kay Yap ay kaugnay sa kinakaharap niyang kaso na may kaugnayan sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Noong panahon ni Yap bilang kalihim ng Department of Agriculture ay nasangkot siya sa PDAF scam ni dating Misamis Occidental 1st District representative Marina Clarete.

Si Bohol Vice Governor Rene Relampagos ang pansamantalang papalit sa pwesto ni Yap.

Read more...