Ayon sa pangulo, nabasa niya ang tweet ni Kine na nakahanada na siya at nakaimpake na ang kanyang bagahe para pumunta ng Pilipinas at tulungan si Robredo sa war on drugs.
Utos ng pangulo sa Bureau of Immigration (BI), papasukin sa bansa si Kine at papuntahin sa opisina ni Robredo at pabibigyan niya ng VIP treatment.
Kapag nakarating na aniya si Kine sa tanggapan ni Robredo, pupuntahan niya ito at sasampalin sa harap ng bise presidente.
Bastos aniya si Kine dahil sa pakikialam sa drug war sa Pilipinas.
Samantala, dismayado na si Pangulong Duterte kay Robredo bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon sa pangulo, grandstanding na ang ginagawa ni Robredo dahil kaliwa’t kanan na ang ginagawang pagsasalita sa publiko kasabay ng sunod-sunod na pag-imbita sa bansa sa mga foreign Individuals at entities na mayroon nang prejudgment sa drug war.
Circus na rin aniya ang ginagawa ni Robredo.
Ayon sa pangulo inilalagay ni Robredo sa jeopardy o alanganin na sitwasyon dahil sa pagpayag na makapasok sa bansa ang mga dayuhan at makialam sa war on drugs.