Water level ng Angat dam nasa 187.42 meters na lang

Muling nabawasan ang water level ng Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules, Nov. 20 nasa 187.42 meters na lang ang water level ng Angat.

Malayo ito sa normal high water level ng dam na 210 meters.

Nabawasan din ang water level ng Ipo dam na nasa 100.60 meters.

Habang nadagdagan naman ng bahagya ang antas ng tubig sa La Mesa dam at ngayon ay nasa 77.89 meters.

Nadagdagan din ang water level sa Binga, Pantabangan, at Caliraya dams.

Habang nabawasan ang water level ng Ambuklao, San Roque at Magat dams.

Read more...