Calauag, Quezon niyanig ng lindol

Nakapagtala ng mahinang pagyanig sa bayan ng Calauag sa lalawigan ng Quezon.

Naganap ang pagyanig sa layong 7 kilometers northeast ng Calauag, alas 6:17 ng umaga ng Miyerkules, Nov. 20.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pagyanig at may lalim na 2 kilometers lamang.

Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng lindol.

Wala rin itong inaasahang maidudulot na pinsala at aftershocks.

Read more...