CANCELLED FLIGHTS: Nov. 20, 2019

MIAA photo

Ilang flights ang kanselado ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) kanselado ang biyahe ng Skyjet na M8 816/817 Manila – Basco – Manila.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Batanes.

Pinayuhan ang mga pasaherong apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.

Read more...