6 na magkakaibigan arestado sa buy-bust sa QC

Nadakip ang anim na magkakaibigan sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Quezon City.

Ikinasa ang operasyon sa Caimito Street sa Barangay Payatas Martes, Nov. 19 ng gabi.

Nakuha sa kanila ang pitong gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang mahigit P5,000 ang halaga.

Isa sa mga suspek na si alyas Ely ay dati na ring nakulong dahil sa ilegal na droga.

Matapos makalaya ay bumalik muli sa ilegal na aktibidad si Ely.

Read more...