Sa press conference sa Malacañang, Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na main agenda sa mga pulong ay ang mga bagay na may kinalaman sa seguridad.
“Security talaga. And it is obvious, it now the equilibrium of geopolitics”, ani Duterte.
Kabilang sa mainit na mga isyu ngayon sa geopolitics ay ang North Korea, Spratly Islands at pag-okupa ng China sa South China Sea.
Hindi naman binanggit ng pangulo kung sinong state leaders ang kanyang makakapulong.
Una nang sinabi ng Malacañang na maaaring magkaroon ng bilateral meeting sina Duterte at South Korean President Moon Jae-in.
Ang ASEAN-SoKor Commemorative Summit ay magaganap sa Busan sa November 25 hanggang 27.