Bagyong #Ramon tumama na sa Santa Ana, Cagayan

Nag-landfall na sa Santa Ana, Cagayan ang Typhoon Ramon kaninang alas-12:20 ng madaling-araw.

Ayon sa 2am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Santa Ana.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 km kada oras.

Kumikilos ito pa-Timog-Kanluran sa bilis na 10 km bawat oras.

Ayon sa PAGASA, inaasahang hihina na ang bagyo dahil sa land interaction at umiiral na Northeast Monsoon o Hanging Amihan.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa:
– Northern portion ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Allacapan at Lal-lo)

Signal no.2 naman sa:
– Batanes
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– at nalalabing bahagi ng Cagayan

Habang nasa ilalim ng sinal no. 1 ang
– Northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)
– Mountain Province
– Benguet
– Ifugao
– La Union
– Pangasinan

Katamataman na may paminsan-minsan hanggang madalas na malakas na pag-uulan ang mararanasan ngayong araw sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands at Apayao.

Mahina hamnggang katamtaman na panaka-nakang malakas na ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Mt. Province, Kalinga at northern portion ng Isabela.

Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng landslides at flashfloods.

Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga lugar na nasa storm warning signals, seaboard ng southern Isabela, at western seaboard ng Zambales at Bataan.

Read more...