Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 570 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km bawat oras.
Mabilis ang kilos nito sa 35 km bawat oras sa direksyong Hilagang-Kanluran.
Ayon sa weather bureau, tulad ng Bagyong Ramon, tinutumbok ng Bagyong Sarah ang Northern Luzon area at posibleng mag-landfall sa Huwebes ng gabi.
Posibleng magtaas na ng Tropical Cyclone Wind Signal no.1 sa Cagayan at Isabela sa susunod na bulletin.
Inaasahang lalakas pa ang bagyo at magiging Tropical Storm sa loob ng 12 oras.