Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 100 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Aparri, Cagayan o 45 km Hilagang-Silangan ng Santa Ana, Cagayan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 km bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro kada oras.
Mabagal pa rin itong kumikilos sa direksyong Timog-Kanluran.
Inaasahang tatama na ang bagyo sa Santa Ana, Cagayan o Calayan Islands anumang oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa:
– Northern portion ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Allacapan at Lal-lo)
Signal no. 2 sa:
– Batanes
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– at nalalabing bahagi ng Cagayan
Nasa ilalim ng signal no. 1 ang:
– Northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)
– Mountain Province
– Benguet
– Ifugao
– La Union
– Pangasinan
Hanggang bukas (Nov.19), katamtaman na may paminsan-minsan hanggang madalas na pag-uulan ang mararanasan sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands at Apayao.
Mahina hanggang katamtaman na may panaka-nakang malakas na ulan ang mararanasan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Mr. Province, Kalinga at northern portion ng Isabela.
Ayon sa PAGASA, ang dahilan ng mabagal na kilos ng Bagyong Ramon ay dahil sa dalawang High-Pressure Area (HPA) na nakapalibot dito.
Nakataas pa rin ang gale warning at bawal maglayag sa mga baybaying dagat na nasa storm warning signals at mga baybaying dagat ng Zambales at Bataan.