Gusali ng PNB sa Pasay City, binulabog ng bomb threat

Binulabog ng bomb threat ang Philippine National Bank (PNB) Financial Center sa Pasay City, Martes ng hapon.

Ayon sa Pasay City police, natanggap ang isang text message mula sa hindi pa nakilalang tao bandang 12:04 ng tanghali.

Laman ng text message ang pagbabanta na magkakaroon ng pagsabog sa lugar.

Agad nag-inspeksyon ang pulisya sa gusali at idineklarang cleared mula sa bomba bandang 4:15 ng hapon.

Dahil sa insidente, pansamantalang pinalikas ang mahigit 13,000 tao sa gusali.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Read more...