Jose Abad Santos, Davao Occidental nilindol

Phivolcs photo

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol sa Davao Occidental, Martes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 35 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 9:31 ng gabi.

May lalim ang lindol na 98 kilometers at tectonic ang dahilan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...