Typhoon #RamonPH, posibleng mag-landfall sa Babuyan Islands Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga

DOST PAGASA photo

Posibleng tumama sa kalupaan ng Babuyan Islands ang Typhoon “Ramon” sa Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga.

Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 8:00 ng gabi, hindi kumilos ang bagyo sa 120 kilometers Silangang bahagi ng Calayan, Cagayan bandang 7:00 ng hapon.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 165 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa ang mga sumusunod na lugar:

Signal no. 3:
– Northern portion ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, at Santa Ana)

Signal no. 2:
– Batanes
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– nalalabing bahagi ng Cagayan

Signal no. 1:
– Mountain Province
– Benguet
– Ifugao
– La Union
– Pangasinan
– Northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)

Martes ng gabi, asahan pa rin ang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes, northern portion ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao at northern portion ng Ilocos Norte.

Mahina naman hanggang katamtaman na may pakana-kanang pag-ulan ang mararamdaman sa northern portion ng Isabela, Kalinga, Abra at nalalabing bahagi ng Cagayan at Ilocos Sur.

Naglabas din ng gale warning o babala ng mataas na alon sa bahagi ng La Union at Pangasinan.

Matapos mag-landfall, sinabi ng PAGASA na maaaring humina ang bagyo sa susunod na 24 oras.

Ayon pa sa PAGASA, inaasahang tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Typhoon “Ramon” sa Huwebes ng hapon.

Read more...