Letran, nasungkit ang titulo bilang NCAA Season 95 champion vs San Beda

Nasungkit ng Colegio de San Juan de Letran ang titulo bilang NCAA Season 95 men’s basketball champion laban sa San Beda University, Martes ng hapon.

Nagwagi ang Knights laban sa Red Lions sa iskor na 81-79.

Tinangka pa ni Evan Nelle na makakuha ng back-to-back three point shot sa loob ng 32 segundo para sa San Beda ngunit naharang ito ni Jerrick Balanza dahilan para maiuwi ang kampeonato ng Letran.

Sa huling taon ni Balanza bilang manlalaro ng Letran Knights, nakapagtala ito ng 27 points.

Aniya, maraming tao ang nagduda na maipapanalo nila ang Game 3 ngunit, bilang team captain, pinilit niyang ma-motivate ang buong koponan.

Matatandaang huling naiuwi ng Letran ang kampeonato taong 2015.

Read more...