Kasabay nito, tinawag na sinungaling ni PLDT Vice President for Visayas Rene Lescano ang PECO matapos sabihin sa publiko na ang telcos ang dapat sisihin sa mga nangyaring sunog sa poste.
Ang nasabing sunog ang naging basehan ng reklamo ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa Energy Regulatory Commission (ERC).
Giit naman dito ng PECO, sa 709 ng mga sunog sa poste ng kuryente sa Iloilo, mula 2017 hanggang nitong Oktubre ng taong ito ang 571 ay sa mga telco.
Habang sinabi pa ng PECO na sa 138 posteng pag-aari ng PECO na nasunog ay dahil sa messenger wire na nakakunekta sa electricity wire ng PECO.
Giit ni Lescano, wala itong katotohanan dahil 2,000 ang poste na pag-aari nila sa Iloilo city habang 800 lang ang gawa sa kahoy kumpara sa 30,000 poste na pag aari ng PECO.
Nilinaw rin ni Lescano na ang sunog ay dahil sa electrical wires ng PECO at hindi nagsimula sa poste.
Nanindigan rin ito na ang messenger fire na nakakunekta sa poste ng PECO ay walang kuryente na maaaring pagmulan ng sunog.
Sang-ayon rin ito sa findings ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ang electricity wire ng PECO na may mataas na boltahe ang dahilan ng sunog st hindi ang wire ng mga telco o cable.