Inihayag ito ng kagawaran matapos ang pulong ni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kasama ang ilang opisyal, kabilang si DILG Secretary Eduardo Año, Martes ng umaga.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na kailangang iayon ang lahat ng magiging pagbabago sa mga ipinatutupad na batas at polisiya na isusumite sa Kongreso.
Naging mahaba at maayos naman aniya ang nasabing pulong ni Robredo at ilang kawani ng DILG.
Inihayag din aniya ni Robredo ang suporta sa Community Based Drug Rehabilitation Program.
Pinahahalagahan din aniya ng DILG ang inisyatibo ni Robredo para maisangkot ang iba pang sektor tulad ng Simbahang Katolika at iba pa para sumuporta sa war on drugs campaign.
Tiniyak din nito kay Robredo ang kooperasyon ng DILG at mga kaakibat na ahensya para mapagtagumpayan ang tungkulin bilang ICAD co-chair.