Typhoon #RamonPH, napanatili ang lakas at hindi halos kumilos

Halos hindi kumikilos ang Typhoon “Ramon” sa nakalipas na 24 oras.

Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, huling namataan ang bagyo sa 120 kilometers Silangang bahagi ng Calayan, Cagayan bandang 4:00 ng hapon.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 165 kilometers per hour.

Ani Estareja, posibleng Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga tumama ang bagyo sa kalupaan ng Cagayan at dadaan sa Apayao at sa Ilocos provinces.

Maaari aniyang humina ang bagyo bilang isang tropical storm sa susunod na 24 oras.

Gayunman, patuloy aniyang makararanas ng masungit na panahon ang malaking bahagi ng Northern Luzon.

Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa ang mga sumusunod na lugar:

Signal no. 3:
– Northern portion ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga at Santa Ana)

Signal no. 2:
– Batanes
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– nalalabing bahagi ng Cagayan

Signal no. 1:
– Mountain Province
– Benguet
– Ifugao
– La Union
– Pangasinan
– Northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)

Naglabas din ng gale warning o babala ng mataas na alon sa bahagi ng Zambales at Bataan.

Ayon pa sa PAGASA, inaasahang tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon “Ramon” sa Huwebes ng hapon.

Read more...