Walang tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo kung ang pag-uusapan ay paghawak sa maseselang impormasyon kaugnay sa kampanya kontra sa ilegal na droga.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito ang dahilan kung kaya ayaw bigyan ni Pangulong Duterte ng access si Robredo sa mga maseselang impormasyon sa war on drugs sa pangambang ipamahagi lamang ito sa mga dayuhang personalidad o entities.
“With respect to state matters? Classified documents? Baka may reservation siya,” pahayag ni Panelo.
Pero ayon kay Panelo, may tiwala naman si Pangulong Duterte sa kakayahan ni Robredo na pamunuan ang drug war.
“With respect to classified matters nga. Let’s put it this way. Since she has talked with certain institutions and people that are supposed to be enemies of the state, to the mind of the President, to the mind of the President that’s a dangerous sign. Ibig sabihin, you may not be doing it purposely but delikado. Kaya nga hindi ba he already made a statement. Delikado yang ginagawa mo. Kaya precisely I issued a statement reminding her,” dagdag pa ni Panelo.
Aminado si Panelo na naiinip na ngayon ang Palasyo dahil dalawang linggo nang drug czar si Robredo pero wala naman itong naipiprisintang bagong ideya kung paano mapagtatagumpayan ang paglaban sa ilegal na droga.