Binabantayang LPA sa Eastern Samar, isa nang ganap na bagyo; Tatawagin itong #SarahPH

DOST PAGASA photo

Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Eastern Samar at tatawaging “Sarah.”

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, lumakas ang sama ng panahon at naging tropical depression bandang 2:00 ng hapon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 615 kilometers Silangang Hilagang-Silangan ng Borongan City, Eastern Samar o 765 kilometers Silangang bahagi ng Legazpi City, Albay bandang 2:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang Kanluran sa bilis na 35 kilometers per hour.

Gayunman, wala pa namang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal dahil sa Tropical Depression “Sarah.”

Ayon sa PAGASA, mararanasan ang mahina ang katamtaman na may kalat-kalat na malakas na pag-ulan sa eastern portion ng Cagayan at Isabela.

Posible naman itong maging tropical storm sa susunod na 24 oras.

Read more...