Orange rainfall warning, nakataas pa rin sa Cagayan

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa ilang bayan sa probinsya ng Cagayan.

Sa abiso ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, nakataas ang orange rainfall warning sa bayan ng Gonzaga at Santa Ana.

Yellow rainfall warning naman ang umiiral sa Babuyan Island, Camiguin Island at ilang parte ng Cagayan partikular sa Abulug, Aparri, Ballesteros, Buguey, Claveria, Pamplona, Santa Teresita, Santa Praxedes at Sanchez Mira.

Dahil dito, nagbanta ang weather bureau na posibleng makaranas ng pagbaha sa mababang bahagi ng mga nasabing lugar.

Asahan naman ang mahina hanggang katamtamang ulan sa Calayan Island sa susunod na isa hanggang dalawang oras.

Mahina hanggang katamtamang pag-uulan din ang iiral sa mga probinsya ng Apayao partikular sa Calanasan, Flora, Luna, Pudtol; at Cagayan sa Allacapan, Alcala, Amulung, Baggao, Camalanuigan, Lallo at Gattaran.

Ayon sa PAGASA, posibleng maramdaman ang masamang lagay ng panahon sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Read more...