Mastercard ng LANDBANK, magkakaroon ng system maintenance mula Nov. 20 hanggang 21

PHOTO CREDIT: @LBP_Official/TWITTER

Magkakaroon ng system maintenance ang “Mastercard.”

Sa inilabas na abiso ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK), magsisimula ang maintenance mula 10:00, Miyerkules ng umaga (November 20) hanggang 12:30, Huwebes ng tanghali (November 21).

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang Mastercard Credit at Prepaid Cards.

Pinayuhan naman ang mga kliyente na maagang gawin ang kanilang mga transaksyon para hindi maabala ng maintenance.

Maliban dito, mananatiling available ang iba pang cards at channel ng LANDBANK.

Read more...