Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na kailangan nila ng permanenteng hepe sa darating na buwan ng Enero sa taong 2020.
Sa press briefing, ipinaliwanag ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na ito ay dahil iisang PNP chief lamang dapat ang pumirma sa mga dokumeto para sa pagsisimula ng procurement.
Wala naman aniyang problema kung hindi pa makapili si Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging susunod na PNP chief.
Ani Banac, mahaba naman ang taon para isagawa ang procurement.
Sa ngayon, nagsisilbi ni Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa bilang officer-in-charge ng PNP.
Kabilang din si Gamboa sa tatlong inirekomenda ni DILG Secretary Eduardo Año sa pangulo na maging susunod na PNP chief kabilang sina deputy chief for operations Lt. Gen. Camilo Cascolan at directorial staff chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar.