Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Davao Oriental

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Davao Oriental, Martes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 9 kilometers Northwest ng Lupon bandang 3:00 ng hapon.

May lalim ang lindol na 32 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naramdaman ang intensity 3 sa Davao City.

Naitala naman ang instrumental intensity 2 sa Davao City habang intensity 1 sa Kidapawan City.

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...