WATCH: Ilang estudyante ng Araullo High School, naglinis at nagpintura para mabura ang bandalismo sa pader ng paaralan

Photo grab from Manila PIO’s Facebook live video

Boluntaryong naglinis at nagpintura ang ilang estudyante ng Araullo High School para mabura ang bandalismo sa pader ng paaralan sa Maynila, Martes ng hapon.

Sa ibinahaging video ng Manila Public Information Office (PIO), makikitang hindi bababa sa siyam na estudyante ang nagpintura sa harapan ng eskwelahan para takpan ang mga bandalismo.

Ilan sa mga nakitang bandalismo sa pader ng paaralan ay may katagang, “MAKATWIRAN ANG MAGHIMAGSIK,” at “AKTIBISTA, HINDI TERORISTA.”

Kasabay nito, hiniling ng isang estudyante na itigilan na ang paglalagay ng bandalismo.

Nasisira aniya ang kapaligiran dahil sa aniya’y “pambababoy” sa lugar.

Dapat na rin aniyang sumuko ang grupong responsable sa paglalagay ng bandalismo para makatulong sa mga ikinakasang hakbang ni Mayor Isko Moreno upang maisaayos ang Maynila.

Giit naman ng isang guro sa nasabing paaralan, maaaring ipahayag ang kanilang saloobin o art sa ibang paraan.

Narito ang video mula sa Facebook page ng Manila PIO:

Read more...