Batay sa severe weather bulletin bandang 2:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 120 kilometers Silangang bahagi ng Calayan, Cagayan bandang 1:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 165 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa ang mga sumusunod na lugar:
Signal no. 3:
– Northern portion ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga at Santa Ana)
Signal no. 2:
– Batanes
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– nalalabing bahagi ng Cagayan
Signal no. 1:
– Mountain Province
– Benguet
– Ifugao
– La Union
– Pangasinan
– Northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu and Ilagan City)
Ayon sa PAGASA, mararanasan ang katamtaman na kung minsan ay malakas na ulan sa Batanes, northern portion ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao at northern portion ng Ilocos Norte.
Mahina hanggang katamtaman na may pakana-kanang malakas na ulan naman ang iiral sa northern portion ng Isabela, Kalinga, Abra at nalalabing parte ng Cagayan at Ilocos Sur.
Sinabi ng PAGASA na posibleng mag-landfall ang bagyo sa Babuyan Islands sa pagitan ng Martes ng hapon at gabi.
Mapanganib pa rin ang paglalayag ng maliliit na sasakyang-pandagat seaboards ng mga lugar na nasa ilalim ng TCWS, seaboard ng southern Isabela at western seaboard ng Zambales at Bataan.
Samantala, huli namang namataan ang binabantayang low pressure area (LPA) sa 670 kilometers Silangan ng Borongan City, Eastern Samar bandang 1:00 ng hapon.
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa ito at magiging tropical depression sa susunod na 12 oras.