World Toilet Day, muling ginunita; tamang sanitasyon iginiit ng DOH sa mga residente ng Baseco, Maynila

Kasabay ng paggunita ng World Toilet Day, muling pinaigting ng Department of Health sa tulong na rin ng UNICEF ang kampanya nito para sa tamang sanitasyon sa mga komunidad sa bansa.

Sa isinagawang programa ng kagawaran sa Baseco sa Maynila, iginiit nito sa mga residente ng Baseco ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling palikuran at ang pagsunod sa malinis na sanitasyon sa araw-araw.

Inilunsad din ng DOH at UNICEF ang pagpapatupad ng dalawang bagong polisiya na target na magkaroon ng maayos na palikuran ang lahat ng mga Barangay sa buong bansa sa taong 2025.

Batay sa 2017 Annual Poverty Indicators Survey, tinatayang 6% ng mga Pinoy ang wala pa ring toilets o mga palikuran habang 19% ang mayroong mga hindi maayos na palikuran o katumbas ng 25 million Filipinos.

Sa isinagwang programa kanina sa Baseco, binigyang diin ng DOH ang kahalagahan ng paggamit ng toilet gayundin ang tamagn paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig bago kumain para maiwasan ang pagkalat ng sakit gaya ng polio at ang iba pang nakakahawang sakit.

Ayon sa DOH, ang hindi tamang sanitasyon ay nakadadagdag din sa malnutrisyon ng mga bata dahil sa diarrhea.

Read more...