Sa ilalim ng inaprubahang House Bill 168 magiging exempted sa donor’s tax ang pagtatayo ng OFW hospital sa ilalim ng Section 7 ng panukalang batas.
Ang lahat ng grants, donasyon at kontribusyon na makakalap mula sa sino mang indibdiwal o kumpanya para maitayo ang OFW hospital ay magiging tax exempted.
Hindi rin pagbabayarin ng value-added tax at customs duties para sa importation ng medical equipment at machineries, spare parts, at iba pang medical equipment na ekslusibong gagamitin sa operasyon ng pagamutan.
Nauna na rito pinagtibay na ng komite sa Kamara ang panukala na lumilikha sa OFW hospital.