Sa weather bulletin ng PAGASA na inilabas alas 11:00 ng umaga ng Martes, Nov. 19 mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong west northwest.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.
Sa sandaling tumama sa kalpaan ng Babuyan Islands ay inaasahang hihina ang bagyo.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa sumusunod na bayan sa Cagayan:
– Santa Praxedes
– Claveria
– Sanchez Mira
– Pamplona
– Abulug
– Ballesteros
– Aparri
– Calayan
– Camalaniugan
– Buguey
– Santa Teresita
– Gonzaga
– Santa Ana
Signal no.2 naman sa:
– Batanes
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– nalalabing bahagi ng Cagayan
Nasa ilalim naman ng signal no. 1 ang
– northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)
– Mountain Province
– Benguet
– Ifugao
– La Union
– Pangasinan
Samantala ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA ay huling namataan sa layong 720 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Inaasahan itong magiging ganap na bagyo sa susunod na 24 na oras.