Mga bayan sa Cagayan patuloy na inuulan dahil sa TY Ramon; Orange warning nakataas na sabayan ng Santa Ana

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang maraming mga bayan sa Cagayan.

Sa rainfall warning na inilabas ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ng Martes, Nov. 19, nakataas na nag Orange Warning Level sa Santa Ana, Cagayan.

Yellow Warning Level naman ang umiiral sa mga bayan ng Abulug, Ballesteros, Pamplona at Sanchez Mira.

Pinag-iingat ang mga residente sa posibleng pagbaha.

Samantala, ang iba pang lugar sa Cagayan ay nakararanas ng katamtaman at paminsan-minsang malakas na buhos ng ulan.

Read more...