Mahigit 4,000 na residente inilikas sa Cagayan dahil sa bagyong Ramon

Mahigit 4,000 residente sa Cagayan ang inilikas na mula sa kani-kanilang mga tahanan dahil sa bagyong Ramon.

Sa maraming bayan sa lalawigan, 4,877 na katao na ang inilikas. Habang nakararanas na ng power interruption sa mga bayan ng Sta. Ana at Gonzaga.

Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, nakapaghanda na sa buong lalawigan bago ang pagtama ng bagyong Ramon.

Bago pa man dumating ang bagyong Ramon sa Cagayan ay nakaranas na ng pagbaha sa maraming bayan sa lalawigan dahil sa pag-ulan dulot ng Bagyong Quiel.

 

Read more...