Red Alert itinaas sa Cordillera Administrative Region dahil sa bagyong Ramon

Itinaas na ang red alert status sa Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa bagyong Ramon.

Lahat ng member-agencies, Response Clusters at Local DRRM Councils na sakop ng CAR ay inatasang maging maging alerto at handa sa pagtama ng bagyo.

Pinayuhan din ang mga residente na maghanda ng kani-kanilang Go Bag na maari nilang mabitbit sakaling kailanganin silang ilikas.

Wala nang pasok sa maraming lalawigan sa CAR ngayong araw dahil sa epekto ng bagyong Ramon.

Read more...