Binabantayang LPA pumasok na ng PAR; magiging bagyo sa loob ng 24 oras

Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Silangan ng Eastern Visayas.

Ayon sa Weather Advisory #1 na inilabas ng PAGASA alas-5:00 ng umaga, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 930 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 955 km Silangan ng Borongan City.

Inaasahang magiging Tropical Depression sa loob ng 24 oras ang LPA at papangalanang ‘SARAH’.

Sa ngayon wala pa itong epekto saanmang bahagi ng bansa.

Bukas, Miyerkules (Nov.20), ang trough ng LPA ay magdadala na ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Pinapayuhan ang mga public and disaster risk reduction and management offices na magpatupad ng kaukulang aksyon at antabayanan ang weather updates.

Ilalabas ang susunod na advisory tungkol sa LPA mamayang alas-11:00 ng umaga.

Excerpt:

Read more...