34 aftershocks naitala sa Bukidnon

Umabot na sa tatlumpu’t apat ang naitalang aftershocks matapos ang magnitude 5.9 na lindol na tumama sa Kadingilan, Bukidnon, Lunes ng gabi.

Ang datos ay hanggang kaninang alas-4:21 ng madaling-araw.

Hanggang magnitude 3.8 ang pinakamalakas na aftershock na naitala alas-9:56 ng gabi.

Magnitude 3.0 hanggang 3.1 naman ang naitala alas-10:02, alas-10:44, alas-11:10 ng gabi, alas-3:59 at alas-4:04 ng madaling araw.

Ang episentro ng mga pagyanig ay pawang mga nasa Hilagang-Kanluran ng Kadingilan.

Samantala, may magnitude 3.0 na lindol din na tumama sa bahagi ng Southern Leyte alas-12:25 kaninang madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong pitong kilometro Timog-Silangan ng Hinundayan.

May lalim itong isang kilometro at tectonic ang dahilan.

Wala namang naitalang pinsala at hindi inaasahan ang aftershocks sa lindol sa Southern Leyte.

Read more...