#WalangPasok ngayong Martes, Nov. 19, dahil sa M5.9 na lindol sa Bukidnon

Nagdeklara ng suspensyon ng klase ang ilang lokal na pamahalaan sa Mindanao ngayong Martes, Nov. 19.

Ito ay matapos ang magnitude 5.9 na lindol na tumama sa Bukidnon, Lunes ng gabi.

ALL LEVELS:
Bukidnon
• Kadingilan
• Quezon
• Valencia
Cotabato City

Ilan sa mga bayan sa Bukidnon kabilang ang Kadingilan ay nakaranas ng Intensity VI na pagyanig.

Intensity IV naman ang naramdaman sa Cotabato City.

Ang suspensyon ng klase ay para bigyang-daan ang inspeksyon at damage assessment sa mga school buildings.



Read more...