“MMFF dapat itulad sa mga foreign film festivals” – MTRCB

mmff1Bumuo ng Technical Working Group (TWG) ang House Committee on Metro Manila Development para pag-aralan ang reporma sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ay kasunod ng kontrobersiyang bumalot sa katatapos lamang na MMFF na humantong pa sa imbestigasyon ng kamara ang reklamo ng producer ng pelikulang Honor Thy Father dahil sa pag-disqualify sa kanila sa Best Picture category.

Hinirang si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) bilang resource person ng binuong TWG para sa ilalatag na batas at reporma sa MMFF.

Ayon kay MTRCB Chairperson Toto Villareal, nagpanukala siya ng mga solusyon sa komite para sa mas maayos na proseso sa MMFF na maliban sa pinaghihirapan ng movie industry ay taunan rin namang inaabangan ng mga manonood.

Sa programang MTRCB Uncut sa Radyo Inquirer, sinabi ni Villareal na kinakailangan ng ‘overhaul’ sa MMFF at dapat itong itulad sa mga foreign film festivals.

Sa mga film festivals sa ibang bansa, sinabi ni Villareal na ang selection process at pagbibigay ng awards ay ang mga filmmakers ang tumutukoy, kaakibat ang suporta mula sa karampatang sektor ng gobyerno at business sectors.

Dagda pa ni Villareal, lumang-luma na ang batas na nagtatakda sa MMFF. Isa sa tinukoy ng MTRCB chair ang MMC Executive Order No. 86-09 na nilagdaan ni dating Metro Manila Council head Joey Lina na nagsaad ng ‘amusement tax waiver set-up’ sa mga MMFF entries.

Sa MMDA organic law naman, nakasaad na ang gampanin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa MMFF ay dapat may kaugnayan lamang sap ag-deliver ng basic services.

Read more...