Halos 1k na pamilya sa Cagayan apektado ng Bagyong #RamonPH

Nasa halos 1,000 pamilya na ang apektado ng Bagyong Ramon sa lalawigan ng Cagayan.

Batay sa 10:00pm situational report ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (CPDRRMO), 975 pamilya na o 2,744 indibiwal ang apektado ng bagyo sa 12 bayan sa lalawigan.

Nasa 866 pamilya o 2,335 katao ang kasalukuyang nasa evacuation centers sa 30 baranggay.

Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 3 sa Cagayan dahil sa paglakas pa ng bagyo at naging isang ganap na typhoon.

Wala pa namang naitatalang casualty sa kasalukuyan.

Ayon sa PAGASA, tinutumbok ng Bagyong Ramon ang Babuyan Islands o Sta. Ana Cagayan.

Read more...