Balikbayan Box Law para sa mga OFWs, pasado na sa Senado

balikbayanPasado na sa senado ang Customs Modernization and Tariff Act o CMTA na naglilibre sa taripa mga pasalubong na cargo o sa mga Balikbayan Box na ipinapadala ng mga OFWs at nagkakahalaga lamang ng hindi lalagpas sa P150,000 ang laman.

Ang nasabing panukalang batas ay nagtataas sa ceiling ng halaga ng Balikbayan Box na libre sa taripa mula sa dating P10,000.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang pagpasa ng CMTA na tinawag niyang Balikbayan Box Law o BBL ay nagbibigay pribilehiyo sa mga OFWs na mag-uwi o magpadala sa Pilipinas ng mga bagay na kanilang pinaghirapan ng hindi bubuwisan.

Sa Section 800 ng panukalang batas, nakasaad na maaring magpadala ng dalawang boxes ang isang OFW na bibilanging isang shipment lamang kung hindi lalagpas ang halaga ng nito sa P150,000.

Paliwanag ni Recto, ang nasabing pribilehiyo ay maari lamang gamitin ng mga OFWs ng tatlong beses sa loob ng isang taon.

Kinakailangan ding ang laman ng mga Balikbayan Boxes ay personal at household na gamit lamang, at hindi dapat maramihan na pwede ng gamiting pang-negosyo.

Read more...