Presyo ng Diesel nasa P19 hanggang P20 na lamang

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Naglalaro na lamang sa pagitan ng 19 at 20 pesos ang halaga ng diesel.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo nitong nagdaang mga linggo.

Sa monitoring ng Radyo Inquirer, sa sangay ng Petron sa Espanya corner Blumentritt sa Maynila, P19.75 na lamang ang presyo ng diesel at P37.75 naman ang presyo ng gasolina.

Ang sangay naman ng Shell sa Quirino Avenue sa Pandacan Maynila, mas mataas ng bahagya ang presyo ng diesel na nasa P20.34 at P37.29 naman ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Sa Quezon City, ang sangay ng Shell sa Timog Avenue, P20.42 ang halaga ng kada litro ng diesel at ang presyo ng gasolina ay nasa pagitan ng P36.45 at P40.90 depende sa klase.

Ang Petron branch sa Kamuning ay P20.55 ang kada litro ng diesel at P36.98 ang pinakamurang gasolina.

Sa malayong bahagi ng Quezon City sa sangay ng Petron sa Payatas Road malapit sa Violago, P19.40 na lamang ang presyo ng kada litro ng diesel.

Nitong nagdaang mga linggo sunod-sunod ang ipinatutupad na rollback ng mga kumpanya ng langis at ang pinakahuli nga ay ang big time rollback kaninang umaga.

Read more...