Pumasa ang House Bill 5477 sa botong 185 na yes, 1 na no at 7 na abstain.
Sa ilalim ng panukala, ang Malasakit program ay pamamahalaan ng DOH.
Ang Malasakit Center ang nagsisilbing one-stop shop para sa mga mahhihirap na pasyenteng nais humingi ng tulong medikal at pinansyal mula sa DOH, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Office of the President.
Nauna na ring tinutulan ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ang panukala dahil sa pangamba na magagamit ang Malasakit Centers bilang partisan tool o sa ambisyong pulitikal ng iilan.
Diin ni Lagman, carbon copy lang ng bersyon ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukala at minadali ring pagtibayin sa Kamara.
Hindi rin aniya nabigyan ng sapat na pagkakataon ang mga kongresista na mahimay nang mabuti ang House Bill 5477.