Magnitude 3.8 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa Davao Occidental, Lunes ng hapon.

Batay sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 131 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 4:08 ng hapon.

May lalim ang lindol na 42 kilometers at tectonic ang dahilan.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala rin pong inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...