Jane de Leon, ipinasilip ang training para sa gagampanang role bilang ‘Darna’

PHOTO CREDIT: @imjanedeleon/INSTAGRAM

Ipinasilip ng aktres na si Jane de Leon ang pinagdadaanang training para sa gagampanang role bilang “Darna.”

Sa Instagram, ibinahagi ng 20-anyos na aktres ang video kung saan makikita ang kaniyang hyperextension exercises.

Kasama ni Jane sa kaniyang workout routine ang celebrity fitness trainer na si Culver Padilla.

Sinabi naman ng aktres na magpo-post pa siya ng mga video at larawan ng training para sa kaniyang mga tagahanga.

Nakuha ni Jane ang role bilang “Darna” matapos mag-backout ang aktres na si Liza Soberano makaraang magtamo ng finger injury.

Read more...