Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:55 ng hapon, mararamdaman ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Pampanga, Zambales, Tarlac, Bulacan at Quezon.
Iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, nagbabala ang weather bureau sa mga residente sa nasabing lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
MOST READ
LATEST STORIES