Aniya agad siyang humirit ng agarang hakbang sa gobyerno para tulungan ang mga magsasaka.
Sa ngayon aniya, P61.77 bilyon na ang nalulugi sa mga magsasaka dahil patuloy ang pagbagsak ng halaga ng palay.
Diin ng senador dapat ngayon pa lang ay nakakatanggap na ng cash compensation ang mga magsasaka.
Katuwiran ni Pangilinan ang mga konsyumer na rin ang makikinabang sa agarang tulong dahil maaring ipagpatuloy pa rin ng mga magsasaka ang pagtatanim.
Kasabay nito ang kanyang panawagan na pagsusuri sa Rice Tarrification Law at aniya maaring suspindihin muna ito hanggang sa ganap ng handa ang gobyerno para sa pagpapatupad nito.