WATCH: Mayor Isko Moreno ipinakita kung gaano kahirap burahin ang bandalismo sa bahagi ng Bonifacio Shrine

Ipinakita ni Manila Mayor Isko Moreno kung gaano kahirap burahin ang bandalismo.

Nadismaya ang alkalde nang may makitang bandalismo sa likuran ng Bonifacio Shrine.

Mismong si Moreno ang sumubok na burahin ang nakasulat gamit ang thinner.

Ayon sa alkalde sa halip na mas mahahalagang bagay ang pinagkakagastusan ng at pagkaabalahan ng Manila City government ay nagiging abala pa ang lokal na pamahalaan sa pagbura ng bandalismo.

Paalala ni Mayor Isko Moreno sa mga abusado, bawat bandalismo nila ay dagdag na gastos sa binabayad na buwis ng mamamayan.

Pinasusweldo kasi ang mga tao na muling magpipintura ng bandalismo, at bibili pa ng pintura.

Read more...