SSS members sa Mindanao maari nang maghain ng calamity loan, home improvement loan simula ngayong araw

Maari nang maghain ng aplikasyon para sa calamity loan, ar home improvement ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) na naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Aurora Ignacio, simula ngayong araw ng Lunes, Nov. 18 ay available na ang pondo ng SSS na aabot sa P443 milion para sa calamity loan ng kanilang 54,000 na mga miyembro sa Mindanao na naapektuhan ng pagyanig.

Maliban sa calamity loan ay pwede ring mag-advance ng 3-month epnsion at mag-loan para sa house repair at improvement.

Ang mga SSS members at pensioners na kwalipikado ay ang mga nakatira sa mga lugar na nakasailalim sa state of calamity kabilang ang Bansalan at Matanao sa Davao del Sur; Kidapawan City, Makilala at Tulunan sa North Cotabato.

Read more...