M4.0 na lindol yumanig sa Quezon

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bahagi ng Quezon alas-4:35 Lunes (Nov. 18 ) ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 42 kilometro Hilagang-Silangan ng Jomalig.

May lalim itong walong kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala pang naitatalang intensity ang Phivolcs.

Ayon kay John Paul Fallarme, Phivolcs research assistant, posibleng aftershock ang lindol ng magnitude 5.5 na pagyanig noong November 7.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...