Pag-angkat ng bigas ipinahihinto muna ni Pangulong Duterte

Pansamantalang ipinatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-angkat ng Pilipinas ng bigas mula sa ibang bansa.

Ito ay sa gitna ng hinaing ng mga magsasaka bunsod ng pagbagsak ng farm gate price ng palay o unmilled rice dahil sa pagbaha ng imported na bigas sa merkado.

Sa isang television interview, sinabi ng pangulo na dapat simulan na ng gobyerno ang pagbili sa lokal na bigas bilang tulong sa mga magsasaka.

Ang pagbaha ng imported rice ay bunsod ng Rice Tarrification Law na nilagdaan ni Duterte noong Pebrero kung saan tinanggal ang limitasyon sa pang-aangkat ng bigas.

Batay sa pinakahuling datos ng Philippines Statistics Authority (PSA), bumagsak sa P15.35 kada kilo ang presyo ng palay, pinakamababa sa loob ng walong taon.

Read more...